balinkbayan-header-large

SERTIPIKASYON UKOL SA PAGPOPROSESO NG UMID CARD NG MGA OFW PAPUNTANG TAIWAN

http://i0.wp.com/philpad.com/wp-content/uploads/2013/10/how-to-get-umid-online.jpg?resize=300%2C224

Kung sakaling wala pang Social Security System (SSS) Unified Multi-Purpose ID (UMID) card ang miyembro na nais magtrabaho sa Taiwan, maaaring iprisenta ang alinman sa SSS 2D Barcode ID Card o ang SSS Certification of UMID Card Processing upang makakuha ng Taiwanese working visa hanggang Enero 2016.

 

Sumang-ayon ang Taipei Economic and Cultural Office ( TECO ) sa Pilipinas na tanggapin ang SSS 2D Barcode ID Card o ang SSS Certification ng Processing UMID Card bilang kahalili ng SSS UMID Card. Ang mga miyembro na nag-apply ng SSS UMID Card ng mas maaga sa Nobyembre 7, 2015 at nakapasa na sa fingerprint matching ay maaaring humingi ng sertipikasyon sa SSS-POEA kasabay ng kanilang aplikasyon sa UMID card.

Pinahihintulutan din ang liaison officer ng mga recruitment agency na humingi ng sertipikasyon para sa mga SSS members. Ilalabas ng sangay ng SSS na nasa Philippine Overseas and Employment Administration (POEA) ang sertipikasyon makalipas ang limang araw mula sa araw na hiningi ito. Sa ngayon ay naantala ang produksyon ng UMID card dahil ginaganap ang public bidding sa pagpili ng kumpanyang gagawa ng UMID card.

Para sa iba pang katanungan ukol sa produksyon ng kanilang UMID card, maaaring bisitahin ang pinakamalapit na sangay na SSS o magpadala ng e-mail sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..

 

Para sa iba iba pang serbisyo ng SSS para sa mga overseas Filipinos puntahan, lamang ang link na ito http://balinkbayan.gov.ph/online-services/national-government/sss.html